ginawa kong mala-trabaho ngayong hapon ang mag-ayos ng aking tabulas account at bagong template. tumingin ng codes, styles para sa comments page, credits, profile, mga ganung bagay-bagay. tapos naisipan kong tingnan ung friends list ko at maglibot-libot sa malawak na mundo ng tabulas. pero una sa lahat, binura ko muna sa friends list ko ung ibang imed people na tab dati pero nagsilipatan na ng blog. sayang kasi limited slots for friends eh (para namang andami kong tabulas friends). tapos dun na nagsimula.

click. patay na blog. alt+f4.
click. lumipat na daw. alt+f4.
click. last entry january 2005. alt+f4.
click. alt+f4. click. alt+f4.

at sunud-sunod na. parang mga bulang naglaho sa hangin. mga kandila sa bertdey keyk na hinipan. mga langaw na naisprayhan ng baygon. mga... pasama na ng pasama ang mga pagkumpara ko. basta. nagsiwalaan. dapat siguro hindi ako nagugulat masyado kasi maski ako muntikan nang iwanan ang blog kong mabulok sa kawalan, pero iba naman un eh. binabalak ko namang ayusin, at sa awa ng diyos, natuloy nga. pero ang mga nangyari dito, may mga nagsawa, may mga nakaligtaang magsulat, may mga nang-iwan lang talaga.

natural naman sigurong lumipas ang panahon ng blog ng isang tao dahil hindi lang naman ito ang pinag-iikutan ng buhay nila. nakakalungkot lang isipin na lagpas isang taon lang ang nakalipas mula nung click lang ako ng click, nakikiraan at nakikibasa ng kanilang mga buhay-buhay at isip-isip, at minsan sila rin ang nakikiraan at nakikibasa sa akin. hindi ko naman sila kilala talaga, pero parang nakasanayan ko lang na pinupuntahan ung mga blog nila at nagbabasa ng kung anu-ano. mabuti lang na ung mga taong medyo nakilala ko nga dito ay nagsusulat pa rin. at malay ba natin, may mga makilala akong iba pa sa aking panibagong pagkabuhay.

basta, may tao man o wala, may nagbabasa man o wala, andito ako. nagsusulat. nabubuhay.
Currently watching: charmed (2nd to the last ep ever!)
Currently feeling: madrama daw
Posted by no_brainer on May 15, 2006 at 07:24 AM | No comments yet
Login to your account to post comment

You are not logged into your Tabulas account. Please login.