oh shit, yesterday was a blast.

after spending 6-odd hours browsing scrub suits and stethoscope designs in bambang (i scored 2 scrubs, one with a monopoly-board design and another with a boating-compass thing going on, and decided on my to-be-stethoscope's color: burgundy!), i thought i would be too pooped to even get out of bed upon arriving home and taking a nap in the sweltering heat of my room. but of course i did do just that, there was no way i was missing what we would have going that night.

yes, it was adelfa's night out! we only now see each other (or rather, i see them) once every few months, so chances like these are too rare to miss out on. the original plan was at a local grille right here in our village, but upon arriving and seeing a few adelfa people, karla (sporting a hot new do with fading red highlights, haha) learned about a resto opening on kalayaan, which her dad sort of co-owned or something. and the biggest news: 50% off on all menu items! so naturally we packed up (had a few appetizers for take out, para hindi naman nakakahiya) and went to paulo's on kalayaan.

at syempre naman, ano pa ba ang tamang gawin sa opening night ng isang resto na 50% off on all menu items? e di orders galore! seafood and young chow (oo, young chow, haha!) fried rice, chop suey (dapat talaga kumakain na ng gulay mga tao ngayon. matatanda na kami eh. hehe), chicken teppanyaki, and 2 orders each of sisig and lengua. ang pumigil nga lang ata sa amin eh ang takot na baka hindi namin maubos lahat ng ipag-oorder namin, kung nagpakawala kami talaga. at grabe, sobrang sulit sya. imagine, P14-bottomless ice tea! un na ang panalo for cheapest bottomless ever! at naka-5 or so glasses pa ako! syempre habang kumakain na kami e parating ng parating ung ibang tao, kaya dagdag orders pa nung kinulang. ang medyo panira lang nun ay mabagal ung service nila kasi sobrang daming tao. tipong 20 minutes bago dumating ung additional plates and utensils para sa mga bagong dating. pero whatever, sulit pa rin. at in the end, tig-less-than-P70 each pa kami! sayang nga hindi applicable ung half-price sa take-out eh, kundi andami na sana naming bitbit na kalamares, buffalo wings, at kung anu-ano pang pampulutan sana.

isa pang bagay tungkol sa adelfa's night out, wala nang plano after dinner. nice plan karla. haha. kaya buti lang pwede kaming magcrash sa condo nina wyna. dinaanan muna magic sing ni karla sa bahay, at si cholo na sobrang bagal maligo sa bahay din nya, then diretsong katips. pag dating sa building, sa 7-11 muna para bumili ng *inumin* hehe, then unahan na sa condo at sa banyo. bottomless tea kasi eh. hehe.

buti lang kasama si joseph, ang dakilang bartender, kundi baka puro straight gin lang iniinom namin dun. at grabe, sobrang di ko makakayanan un. hindi pa naman ako heavy drinker masyado; di pa nga ako drinker talaga eh. kapag kasama lang naman adelfa ako nakakainom talaga ng marami-rami eh. at ang malala pa sa gabing un, maraming tao ang di makainom kasi either allergic, may lbm, magddrive pa, or hindi lang talaga umiinom. kaya naman, tinutulak na lang sa mga pwedeng uminom lahat ng tinitimpla ni joseph. included na ako dun. haha! pineapple gin sobra! tapos the whole time naman videoke atak lang mga tao dun, so sobrang saya talaga! as in pakawala! may mga rockstar moments, dancing queens, and lesbo action pa nga eh. laughtrip lang buong gabi. hehe.

ewan ko ba kung anong nangyari sa akin kagabi. hindi naman ako wasted for sure. paulit-ulit pa akong tinatanong ni karla kung hilu-hilo na ako, pero hindi talaga eh. kung may nararamdaman man ako nun, antok lang ata talaga un. kaya yata pilit akong pinagsstraight ng gin, para maubos na rin. pero sobrang sunog-baga kasi un eh! oh well, un nga, hindi naman ako nalasing kagabi. pasalamat lang na medyo high tolerance for alcohol din ako. di nga ako nakakaramdam ng amats or kung anuman eh, o feeling ko lang un. basta, definitely mas *wild* ako nung gabing un. pakawala na lang, sabihin natin. tipong hoard ng videoke, tapos sigawan talaga. baka nga lowered inhibitions lang, pero masaya sya. party all night. yeh!

mga bandang 4:30 ata ako sumuko ng tuluyan, pero bumangon naman kami ng 6 para umuwi, kasi enrollment pa pala ng ateno nun. pagkagising naman, wala namang hangover or whatever, pero bangag pa lang ata talaga ako nun. buti nga nakauwi pa kami ng buhay eh, puyat na puyat din si cholo nun. tapos pag dating sa bahay, crash din agad sa kama hanggang 12. buti lang tapos na enrollment namin.

haha, the best talaga ang adelfa. love ko mga taong un. dapat talaga magkatotoong outing na ulit. batangas here we come!
Currently feeling: bangag
Posted by no_brainer on June 9, 2006 at 10:20 PM | 13 comments
Login to your account to post comment

You are not logged into your Tabulas account. Please login.

kristina (guest)

Comment posted on June 15th, 2006 at 05:07 AM
grabe! adelfa night out! at may inuman... to o bad at hindi ko naabutan toh! arrrggghhhh.... just wait till i get back, we shall drink the night away.
Comment posted on June 17th, 2006 at 06:36 PM
tsk tsk kristina. onga, dapat may grad party tayo dito para sa yo. your treat, of course. ;-)

Rob (guest)

Comment posted on June 12th, 2006 at 09:31 AM
whoah! i'm luvin dark colors now adays... that includes maroon, brown and burgundy!
Comment posted on June 12th, 2006 at 10:41 AM
wow... first the ifox thing, now this? are you kidding me? we must really be psychic! haha! ;-)

but seriously, those three are on top of my color list too, along with (guess what) dark green and dark blue. those would be hunter green and navy blue for the steths, but 2 of my friends already chose those, kaya i'm left with the oh-so-beautiful burgundy one. hehe. :-P

karla (guest)

Comment posted on June 11th, 2006 at 11:16 PM
i wanna see the pictures na!! hahaha! sana ipost agad ni wyna sa multiply.

arggh gusto ko laging ganun. sana laging bakasyon. haha. pero may hangover ako the next day. kasi naman napuno na ata ng gin ung katawan ko. pero fun pa rin! hehe.
Comment posted on June 12th, 2006 at 07:25 AM
haha baka kung hindi ko pa inayawan ung mga straight, napuno na rin katawan ko nun. at least i am yet to experience a hangover. hehe. pero tama ka, soooobrang saya! :-D

naisip namin, dapat gawin nating regular ung mga ganun, kahit foodtrip lang o videoke. or better yet, outing! nakakamiss na ang laguna at batangas times with adelfa, hehe.

sama ka ba sa greenbelt sa sabado? punta kami ni joaqs. tapos kung wala talagang transpo *ehemcholoehem*, pwede tayong magtaxi pauwi. ano, go? ;-)

karla (guest)

Comment posted on June 15th, 2006 at 11:46 PM
abon! sama ko!!! teka wat time kayo punta? text me text me!
Comment posted on June 11th, 2006 at 07:35 PM
dapat talaga sumama ako! haay.. outing ulit adelfa!!!
Comment posted on June 12th, 2006 at 07:16 AM
basta sa sabado ah! :-D
Comment posted on June 10th, 2006 at 02:08 PM
ARGGGH I'M SO ENVIOUS I WANNA BURN MY SCHOOL!!!! hahaha

gusto ko na magsummer ulit... hehe :D
Comment posted on June 10th, 2006 at 07:14 PM
haha don't fret. magsisimula na rin naman kami sa 13 eh. nilubus-lubos na lang namin ung natirang panahon. hehe.

and besides, kasama mo pa naman highschool friends mo eh... sa highschool ngayon. hehe. you'll have your times soon enough. :-p

aahhhron (guest)

Comment posted on June 9th, 2006 at 11:43 PM
P14-bottomless iced tea? Makapunta nga.. haha

Lesbo action eh? Hehe
Comment posted on June 10th, 2006 at 09:06 AM
well, that was when discounted pa ung food. normal price ata around P40. kaya sinulit-sulit na namin talaga un. hehe.

hehe, joke-joke lang naman ung lesbo stuff. pero we took pretty good pictures. :-P